5th blog entry ko na to ngayong april, see? I’m so addicted to blogging now. Hahaha, it relieves some of my stress..Hahaha! Yanu! For my entry today, I’ll tell you about the CP i owned in the past 6 years.
Nokia 5310- Haha! It was 2003 since i had my first gadget, it was a cellular phone, o cellphone. This 5310 cp, was very useful to me, because when I’m bored, I’ll just go to the games section and play the SNAKE, hahaa! Remember the Snake without head and tail? Yanu! lagi akong nalilito dun! I was 3rd grader when i was given this phone, the weird cellphone!
Nokia 3315- Ako’y grade 3 din ng bigyan ako ng cp na 3315, actually, bakasyon yun nun, Tanda ko pa ang price nito, P4594.00, diba ang mahal niya? pero it was worth it naman nung time na yun, kasi yung snake dun may head and tail na, at ung alert tone ay pwedeng caprice o, kahit anu pa. Ui, may sekreto ako, sa atin lang to ha, sa cp na ‘to ako unang natutong makipagtextmate. Hahha! Basta quiet lang kayo ha! Pero after 2 years, ayun, may family outing kami, tapos, yung couz ko, hiniram yung cp ko, ayun, magdive ba naman ng nasa bulsa nya yung cp ko? nakakapraning yun! hhaha, ayun, kinalawang yung pyesa at tapos na yung warranty. Patay na si NOKIA 3315!
Nokia 1100- Haha, ito yung cellphone na may flashlight, alam kong nakahawak na kayo nito, wag magbulaan. Hahaha! swerte ko nun, kasi graduation ko nung grade 6 ng binigay ito sa akin! Tanda ko pa ang date, March 31, 2006, umabot siya ng 2 years, nawala ‘to noong 2008, kasi gawa ko, naiwan ko sa field ng school! haha! Tanga ko!
Gameboy Advance- Yeah, tinamad akong mag-cp, Pero year 2005, umuwi ang mommy ko from states, syempre pinasalubungan niya kami ng chocholate at Gamboy Advance..Tanannnnn. Ayun, I got my own Gameboy Advance with super mario na bala, HAhaha! May secret pa ako, alam nyo ba nung grade 6 ako, pinaparent ko ang Gameboy advance ko ng P50.00 for one week with batteries ha, alam nyo halos lahat ng mga kaklase ko, nagrent so it means, successful yung business na yun, pero itinigil ko na, kasi yung mga walandyo kong kaklase, hiniram yung bala taz hinde na binalik..Haha, wawa naman ako.
Gameboy SP- Hindi naman sa pagmamayabang pero, yung natanggap ko to, ako lang ang meron nito sa school namin, feeling ko sikat na sikat ako, yung mga pawisan kong kaklase nakikinood sa akin habang ako’y naglalaro ng SP, haha..Mamatay sila sa inggit, JOKE! Pero nung time na hyun, hinde ako nagpa-rent, kasi baka ndi n isauli yung SP ko, ang ganda pa naman nun, Hanggang nagyon mukha pa ring bago ito.
Sony Ericson K700i- Wow! Colored na ang era ng mga cellphone, para sa mga ndi nakaka-alam ang k770i ay meron ng mp3, bluetooth, infra, headset, camera, radio, pero maliit lang ang memory hinde na-uupgrade. nakuha ko siya kasi may nagsangla sa nanay ko and luckily, sa akin ibinigay, alangan namang gamitin pa niya yun? hello! tama na sa kanya ang 5310, haha! mura lang ang sangla nila, P1500, hahaha! swerte ko nun pero kung ano ang swerte ko nun, ganun naman ang kamalasan konmg inabot, kasi nilagay ko siya sa bulsa ko tapos, nalaalag sa tricycle, ayun, napaghampas ako ng nanay ko nga bangko, hanep ang sakit nun eh, may kasama pang sampal! hanggang ngayun tanda ko pa ang number ko dun, 091868?????, yanu nakalimutan ko. Nagkaroon ako nito noong vacation ng second year..
Nokia Xpressmusic 5110- Yeah, bago pa ‘to, very very useful to kasi malakas ang music niya, may memory na pwedeng i-upgrade at maganda din ang camera niya. I bought it last Jan. 4, 2009! Haha! ang sarap ng feelin, Dylan ikaw di ba ay merong Nseries na N93? magkano yan? Btw, ndi ko muna sya ginamit kasi may ina-antay pa ako.. Sa ngayon ang gamit ko ay Nokia 2110! haha, yung nilalagyan ng picture sa likod? haha! ang ganda, ndi xa colored pero im learning to enjoy life through using simple gadgets and things..So, kahit na luma yang cp nyo, be proud, kasi walang karapatang manlait ang mga tao sa CP nating pangbato at pangtatching! Haha!
I enjoy this activity so sana naman you enjoy reading my blog, dahil, mas lalo akong magiging active na blogger! Thanks sa mga comment ha..